Day1. Plano pa lang pumunta … isip na ng isip … magkano ang budget? ano kayang accomodation? magkano kaya per night? may libre kayang breakfast? may sundo kaya? kung meron, libre kaya o hiwalay na bayad? online kaya o walk-in? …. tawag sa telepono, google, tanong, basa ng blog, punta sa website …. hanggang lito na kung saan …. saan makakamenos kahit konti ….. lito na at puyat sa kapipili …. ano pa at nakapag-pa-book din …
Day2. Ilang Araw Bago ang Araw ng Check-in … Excited. Shopping. Anong maisuot sa araw ng check-in, dapat may dating para entertain-in ng ayos; pag breakfast, dapat ibang damit; pano kung lunch … eh sa dinner …. ? pili-pili-pili sa mall …. pang-swimming din pala … swimsuit! 2 piece, 1 piece, short-shorts (sa babae) …. o … balabal pala kelangan … baka mangitim! sunblock! sombrero!shorts, sando, bling-blings (sa lalaki) …. at ang shades! ….. magbaon kaya ng biskwit, kape, tubig, instant noodles …. maka-tipid kahit papano … ang camera pala, dadalhin … dapat digital … mag-tripod pa kaya? …
Day3. The Day Before Check-in sa Hotel. Impake. Kuha ng check-list. Review at baka may malimutan … Bakit parang ang daming dala? … putok na ang maleta … bawasan ang gamit … pero … baka kailanganin … sige na lang … pilitin at pagkasyahin sa maleta … mabuti nang dala … kesa biglang kailanganin … ear buds pala … magadadala rin … Gabi na, di pa rin tapos … testing ng damit at swimsuit …. harap sa salamin … testing din ng make-up (sa babae) … madaling araw na.
Day 4. Araw ng Check-in sa Hotel… Excited. kelangan maaga sa check-in time para sulit. Ano kaya complimentary? …. praktis ano sasabihin sa Bell Boy … magbigay kaya ng Tip? magkano? … Tatambay muna kaya sa Lobby …. feel sanay …. makaikot ng konti … o diretso muna sa room? … kukuha pa pala ng taxi ….. double check ang mga bitbit baka may maiwan …
Pagdating sa Hotel Lobby. Ipa bitbit ko pa ba sa Bell Boy ang maleta? automatic tip yon! wag na lang kaya, may gulong naman ang maleta …. kaya ko na yon … baba sa taxi, smile …. “good morning!”.
Diretso sa check-in counter. Smile. Pakilala. “I have a room reservation”. Relaks, feel sanay. Ooops, nakabantay ang Bell Boy, hinawakan ang maleta … ibibigay ko ba? ako na lang …”o sige, ikaw na nga … thank you”.
Elevator. Mataas …. hilo … excited na uli … ano kayang hitsura ng kwarto? malaki? malinis? may view kaya? bath tub! … newspaper?
“This is your room, sir … here’ the keycard. If you need anything, just call room service, sir” … hala, iabot na ang Tip … nagpapaabiso na ang Bell Boy …. baybay Tip … Php20 ba yong nabigay o Php50 … Php100 yata? ewan.
Lock the door. Diretso sa banyo, check ng towel, tissue … hanap ng kulang at dumi …. etc. Wala. Kuha ang remote control ng aircon … increase the temperature … kuha ang remote control ng TV … turn on sa kahit na anong channel … hanap ng movie sa HBO …. ang coke in can pala, nasa maleta pa … palamigin muna sa ref … may baon nga palang jollibee burger … ok na ang meryenda!
Dali-daling hubad ng pants at shirt …. underwear na lang muna at medyas … talon sa kamang malambot … hilata ng konti sabay buntong-hininga …. sarap mahiga!
maya-maya … isip! … saan kaya makapag-lunch? room service o sa buffet? a la carte? … kuha ang menu … hanap ng mura! presyo muna bago ang kung anong pagkain yan! … french fries? burger? Oriental? … may coke namang baon … pagkain na lang kulang …. room service na lang kaya … dinner na lang sa buffet ….
Order ….. mag tip pa kaya ulit? … magkano? … sige na lang ….
Ding-dong! …. ayan na … panic… hanap ang bathrobe … sandali! … pakilagay na lang dyan … pirma … saan? … “Anything else sir? If you need anything sir, just call room service. Thank you, sir” … ahhh … Tip nga pala …
… ahh, ito pala yong order ko? Kung sa labas, mas mura ito …. ambiance nga pala, mahal …. ayos na rin …. kain!
… swimming? … pasyal? … o pa-picture? … anong maisuot …. dalhin ba ang towel? bathrobe? tsinelas o tapak? iwan ba ang cellphone? baka mawala ang valuables? bag? … isip ….
Lamig ng tubig sa pool …. sa beach? … picture mag-isa … souvenier!
Dinner … buffet naman … daming putahe … tikman lahat! … balik! … change plate! … busog … may dessert pa pala … tikman lahat! …. busog na busog …. para sulit!
… bigat ng tyan … bigat! … kape? … saan kaya … lobby! may kumakanta at nagpi-piano! tambay-pa-cute naman muna …. cool!
“Excuse me, Waiter! … menu!” (pabulong na mustra sa nguso at sabay senyas ng dalawang kamay ng kwadrado sa hangin) … anong mura? magkano kaya ang San Mig Light? … wow … lasing agad, presyo pa lang … kape? … wow … nerbyos agad, wala pang higop ng kape … isang tasa lang, ilang kilong bigas na … ahhh … ambiance! … Ok, “brewed coffee” …. busog nga pala …. “Sir, cookies o sandwhich with your coffee?” … aba, nag-sell in … “mamya na, busog pa eh”, …. “”tap water na rin,” …. “Sir, bottled?” …. (sabi ng tap water eh …. sell -in na naman … style bulok) … “tap water lang” …. (“service water” na tawag ngayon) ….
Galing ng kumakanta at nagpi-piano …. tipirin ang kape! …. kuha ng napkin at request ng kanta …
…. ooops … ano kaya palabas sa HBO? … amsarap manood, malambot ang kama at aircon pa! … Go!
Bathtub kaya muna ng konti … sana nakapag-baon ng beer-in-can … nalimutan … ……. init! nasobra pihit! … timplado rin … ibuhos lahat ng bubble soap! … sarap!
HBO na … nakatulog na sa kapapanood … walang patayan ng TV!
Day5. Breakfast! … Tanghali na. Napasarap ng tulog! … dali … malapit ng mag close ang breakfast buffet …. sayang yan, complimentary pa naman …. Tikman lahat! … may newspaper pa!
…. and so on and on …. the day repeats itself until check out time …
Day7. Check Out. Aga dapat sa beakfast. Magpi-picture pa. Bitbitin kaya ang shampoo, toothbrush, lotion, tissue, pen, sobre, pad …… baka may maiwan … double check … OK … check-out counter … bayad … “Thank you sir, hope you enjoyed your stay. Come again!” … ”Thank You, rin” … grab hotel brochures for souvenier …..
Natapos din …. pauwi na rin …. pero, mukhang mas madalas yata ang pa-stress …. bawat kilos at galaw, tinitimbang. Bakasyon o alta-presyon?
TIP: Magbudget. Ihanda ang sarili na may gastos sa loob ng Hotel. Kung may budget, enjoy na lang and indulge …. hindi naman yan pag-araw-araw … isang bakasyon … wag gawing alta-presyon.




